***MANET*** Habang hinihimas-himas niya ang kanyang mas umumbok pang tiyan ay nakatitig si Manet sa ultrasound image ng kanyang anak. Kanina lang siya nakapag-ultrasound dahil ngayon lang niya napilit ang kanyang sarili. Laking pasalamat niya kay Nurse Marjorie dahil kinumbinsi siya na mahalaga na magpa-ultrasound siya. Kung hindi pa dumating si Nurse Marjorie sa buhay niya ay hindi niya siguro maiisip na alamin pa ang gender ng kanyang anak. At sinisisi niya si Randy! Gawa ng panloloko sa kanya ng asawa ay hindi na naasikaso ang kanyang anak nang mabuti. Hindi na niya napagtutuunan ng pansin. Ni wala na rin iyong excited niya noong gawin tulad ng mga nauusong special gender reveal, maternity photoshoot, at baby shower. Wala na lahat. Sinira lahat ni Randy ang maganda niyang plano para