***AMAN*** “Grabe naman ang babae na 'yon! Ang kapal ng mukha!” gigil na wika Kai. “Sinabi mo pa. Kung makikita ko 'yon susuntukin ko 'yon sa mukha kahit na babae pa siya,” mas gigil na wika ni Aman. Ikwinento niya kay Kai ang nangyari sa kanyang kapatid. Iyong pagtawag mismo ng babae ng kanyang Kuya Randy sa kanyang Ate Manet. Hindi kasi siya sasamahan ni Kai na mag-inom kapag hindi niya raw ikukuwento ang dahilan bakit gusto niyang mag-inom ng kay aga-aga kaya napilitan siya. He trusted Kai more than anyone, even more than Dhenna. Matalik na kaibigan niya ang dalawa sa office nila pero lamang kasi si Kai na nakakasama niya. Katulad na lang ngayon. Tinawagan niya ang dalawa parehas para yayaing mag-inom pero si Kai lang ang dumating dahil hindi na naman matawagan si Dhenna. Sila ni K