***MANET*** The next morning, even though Manet woke up earlier than usual, she still chose to lie in bed. Tuwid na tuwid ang kanyang pagkakahiga habang nakatitig sa kisame. Parang sa isang bangkay na nakamulat ang mga mata. Walang kakurap-kurap. Unang pagkakataon na hindi niya katabi ang kanyang asawa sa kanilang kama kaya hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman. Buhol-buhol na emosyon ang kanyang nasa dibdib. Napakahirap pala talaga ng ganitong sitwasyon. Ngayon niya nauunawaan ang mga misis na sumusugod sa mga kabit and worse 'yong mga nagpapakamatay. Ang pakiramdam pala'y para kang sinasaksak ng paulit-ulit sa puso. Sobrang sakit. Hindi mailarawan ang sakit. Kaya ang masasabi niya, walang karapatan ang sinuman na husgahan silang mga legal wife na niloko ng asawa. Napapikit siy