***DHENNA*** Nanggigigil pa rin si Dhenna sa ginawa sa kanya ng dalawang lalaking iyon. Iyong muntik na siyang dalhin sa mental hospital. Hindi niya matanggap na ginawa siyang baliw ng mga g*gong iyon. Kumukulo pa rin ang kanyang mga dugo. “Buwisit!” Inis na inis niyang ibinalibag sa pader ng balcony ang flute glass na hawak. Binasa ng alak ang pader at nagkalat ang mga bubog pero wala siyang naging pakialam. Lumalaki-laki ang ilong niya at nanlilisik ang mga mata niyang nakatitig lamang sa pader. Wari ba’y nakikita niya roon ang dalawang lalaki. Hindi niya talaga mapapalampas ang ginawa sa kanya dahil ginawa siyang katawa-tawa, at sa harap pa mismo ni Kai. If only she could, she wanted to gather insects and spray pesticide on those two men until they died. Ganoon siya kagalit. “Bw