***DHENNA*** Nanlilisik ang kanyang mga mata na pumasok sa kuwarto. Humihingal niyang nilapitan ang tulog na si Randy sa may kama. “Walang hiya ka!” At ang dapat niyang ibubulyaw sa manloloko pa rin na lalaki kaya lang ay hindi niya nagawa. Weird man isipin ay tila mayroong pumigil at bumulong sa kanya na hindi niya dapat awayin si Randy dahil kung gagawin niya ay siya ulit ang magiging talo. Kapag ginawa niya iyo ay siya ulit ang magiging masama. At kapag nangyari iyon ay siya ang iiwanan ni Randy. Animo’y nababaliw na napasabunot siya sa kanyang ulo at humakbang paatras. Anong gagawin niya? Saglit na tahimik lamang siyang lumuluha habang nag-iisip ng mas magandang gawin sa taksil niyang asawa. The pain in her heart was unbearable. Magkaganunman kasi na nasasaktan siya ay ayaw naman s