***DHENNA*** Maingat na umalis si Dhenna sa kama. Tulog na si Randy dahil naghihilik na konti. Pinagod at pinatulog talaga niya upang maisagawa niya na ang mga nais niya pang gawin. Dahan-dahan na siyang nagbihis nang nasigurado niyang hindi nagising si Randy. Pagkuwa'y kinuha niya ang kanyang napakaliit na camera na nakatago sa dalawang picture frame sa bed side table. Kanina ay lihim niya iyong inilagay roon. Walang kaalam-alam si Randy na ang kanilang mainit na pagtatalik kanina naka-record. At wala siyang pake kung magalit pa ito oras na malaman nito ang kanyang ginawa. Basta kailangan niya ang video para maipamukha sa babaeng nag-chat sa kanya na sa kanya pa rin si Randy dahil siya ang mas magaling sa kama. At mas gagalingan pa niya dahil gagawin niya ang lahat para madagdagan