***RANDY*** “Tangna, relax ka lang. Wala lang ang Wesley na iyon. Hindi iyon magugustahan ni Manet,” Randy grunted as he let the water from the shower pour all over him. Ganito kagalanti ang kanyang asawa, may shower ang banyo ng baraks ng trabahador nito at isa siya sa nakikinabang. Kadarating lang niya mula sa pagsama niya pagde-deliver sa mga prutas sa may Calapan Market. Ginabi na sila kaya hindi niya tuloy alam kung anong oras umalis sa farm ang lalaking karibal. At isa iyon sa ikinangingitngit ng kanyang kalooban. Paano kung umabot sila ni Manet ng gabi na nag-uusap habang wala siya? Shit! Pakiramdam niya kanina pa ay ha-highblood-in na siya kaya kahit malamig ay nagpasiya siyang mag-shower pa rin. Sa tuwing naalala niya pa kasi ang nakita niyang eksena ng lalaking iyon at ni M