***MANET*** “Ang ganda-ganda mo, prend. Lalo kang gumanda ngayon. Your face is glowing. Halatang inlababo,” masuyong kantyaw sa kanya ni Wesley. “Talaga namang in love ako, ah? Noon pa ako inlababo sa asawa ko,” ani Manet. Nasa mga mata niya ang pagmamalaki. “Toroy!” Tinusok ni Wesley ang kanyang tagiliran. Nakilita siyang umiwas. “Eh, ikaw? Handa ka na ba?” Hinawing lahat ni Wesley ang buhok niya sa likod. “Handang-handa,” at sagot nito. Ngumiti si Manet sa kaibigan. Mamaya kasi ay may pasabog ito sa may simbahan at siguradong maluluka ang lahat ng tao. “Perfect!” Kaysa sa veil ay lace-covered hat ang mayamaya’y inilagay at inayos ni Wesley sa kanyang ulo. Kung titingnan siya ngayon ay higit pang kaakit-akit siya kaysa sa unang naging kasal nila ni Randy. She even likes her wedding
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books