***MANET*** “Diyos ko, sana walang nangyaring masama sa asawa ko,” ani Manet. Labis-labis ang kanyang pag-aalala kay Randy. She compressed her lips and fought those tears that were about to defeat her. Kailangan niyang magpakatatag tulad ng ilang beses nang nabanggit ni Wesley. “Nawalan lang siya ng malay pero siguro naman ay ayos lang siya,” pag-alo na naman sa kanya ni Wesley. Panay ang tingin sa kanya habang nagmamaneho ito. Sa kanya mas nag-aalala. “Bakit ba kasi umakyat siya sa puno ng manga?” “Take note sa pinakamataas,” makulit na pagtatama ni Wesley. “Bakit nga kasi?” “Ma. Pero sabi ni Dulfo ay nagpapahinga daw.” “Nagpapahinga sa taas ng puno?” “Oo, kung ‘di ba naman shonga ang asawa mo.” Nagpapatawa si Wesley pero hindi siya natutuwa. Hindi maiwasan na pagharian pa rin s