***MANET*** Naiinip na si Manet. Pakiramdam niya ay kay bagal ang pagkilos ng mga kamay ng orasan ngayon. Sobrang excited pa naman na siya na makipagkita kay Randy doon sa burol. At nang sa wakas ay pumatong na ang dalawang kamay ng wall clock sa oras na alas kuwatro ng hapon ay nagbihis na nga siya. Nakailang ikot siya sa salamin. She was dressed now in a severely-cut, blue wool walking dress and looking active again. Hindi katulad sa nakalipas na higit apat na taon na parang nagdadamit lang siya kasi kailangan. Ngayon, kahit simple lang ang suot niya dahil sa burol lang naman sila magkikita ni Randy ay tiniyak niyang bagay sa kanya ang kanyang damit. “Aalis ka, Mommy? Are you going to mall?” Si Liam, na biglang pumasok sa silid. “Puwede po akong sumama?” “May ka-date yata ang Mommy