Malalakas na hampas ng alon ang gumising sa akin. Panibagong araw na naman na malayo pa rin sa Sindang. Ang unang pumasok sa isip ko pagkatapos ng misyon ko ay lumayo. Sobrang layo ko na, to the point na kailangan pang sumakay ng bangka or chopper. Pero worth it naman mag-stay rito. Ito lang ang naisip kong lugar para pagtaguan. Alam kong may malaking posibilidad na hanapin nila ako... kaya rito ko talaga piniling magtungo para hindi nila ako makita. Ingat na ingat akong bumangon. Minsan kinakailangan ko pang magpatulong para lang makatayo, minsan naman gusto ko na lang matulog sa couch dahil hirap na hirap talaga akong humiga. Hindi naman talaga ako nagpa-inject no'ng time na iyon, eh. Kaya ito, hindi naman ako nagsisisi na buntis ako. Wala akong pinagsisisihan. Mukha ngang naka