75 - SPECIAL CHAPTER 1

1999 Words

"Sir, inom ka muna ng tubig. Baka mahimatay ka na d'yan." Sinamaan ko nang tingin ang babae. Mukhang aliw na aliw ang babae sa sitwasyon ko. Habang ako, nanginginig na ang tuhod sa sobrang tension. "Kimberly Kim, magtino ka muna kahit ngayon lang." Saway ko rito. "Tanggapin mo na kasi." Sinulyapan ko ang bottled water na iniaabot nito. Hindi ako nauuhaw! Tinanggap ko iyon para manahimik na s'ya. Saka binuksan at agad na ininom iyon. Narinig ko na naman ang pagtawa nito. "Hindi raw nauuhaw pero kung makalagod parang isang linggong hindi nakainom." Napatingin ako sa bottled water, wala ng laman. Napabungisngis din ako saglit na nakalimutan ang takot na bumabalot sa sistema ko. May lumabas na nurse. Malawak ang ngiti nito. "Tapos na po, congratulations! Baby boy and girl po." "

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD