Forty "Pa, help me! Ayokong masira ang pamilya ko. I'm just so desperate to have a child." akmang luluhod na ako nang mabilis na umigkas ang kamao ng aking ama. Napasalampak pa ako sa sahig dahil sa lakas no'n. Dama ko ang galit nito. Alam ko na ayaw nito sa cheating. Never nitong nagawa iyon sa aking ina na kanyang asawa. "Hindi pa rin iyan rason para lokohin mo ang asawa mo, Mason! Hindi kita pinalaking ganyan! Alam mo ba 'yong sakit na ibinigay mo sa asawa mo? Kakambal pa n'ya, hindi lang double, triple pain iyon, Mason!" gigil na sabi nito. "I'm sorry!" "I'm very disappointed, my son. Huwag kang umasa na tutulungan kita sa problema mo na 'yan. Kung magkamali ka pa ng magiging hakbang, ako na ang makakalaban mo!" "Pa!" "Hindi mo muna pwedeng makita ang asawa mo, ako na ang baha