Forty-four Naramdaman ko nang nagigising ang dalaga sa tabi ko. Napangisi ako at kunwari'y himbing sa pagtulog. "Tsk, hinding-hindi ka na magugustuhan ng pinsan ko. Akin ka na!" bulong nito sa pag-aakalang masarap pa rin ang tulog ko. Hinalikan pa nito ang panga ko bago dahan-dahang umalis ng silid. Lihim akong napangisi. Tagumpay. Bumangon ako at nagkunwaring kagigising. Inabutan ko itong bihis na. Hawak na rin nito ang bag. "Alis na ako, next time ulit!" nakangisi pa nitong sabi bago lumapit at humalik sa pisngi ko. Kung umarte ay akala mo nama'y kasintahan ko. Tsk. Pagkaalis nito mabilis akong nag-ayos ng sarili para sundan ito. Nakaantabay na rin ang mga tauhan ko sa ibaba. Kasama sina Shade, Yko at Mec. Pagbaba ko, as usual, wala na ang mga ito roon. Sinipat ko ang cellphon