Forty-five

1370 Words

Forty-five Dahil sa banta ni Papa kay Olivia, nakita ko naman na sinubukan nitong ibalik 'yong amor nito kay Nazneen. Bumalik naman iyon sa dati, iyon ang akala ko. Dahil sa labis na pagkimkim nito ng hinanakit sa akin ay nagsimula itong magloko. Nakilala nito si Gage. Ang binatang pinagbubuksan nito ng lahat ng frustration nito. "Hindi ko talaga akalain na pangalan ko pa ang gagamitin n'ya sa kalokohan n'ya." Natatawang sabi nito pero hilam na rin sa luha. "Sana po maunawaan n'yo kung bakit gusto kong makuha si Nazneen ngayon, hindi rin s'ya ligtas sa kamay ni Princess." Sabi ko rito."Sinubukan n'yang ipahalay si Nazneen sa mga tauhan n'ya, mas ligtas si Nazneen sa akin, Miss Olly!" nakinig ito sa naging kwento ko. Kung paano ako minanipula ni Princess na ikinabuhay ng galit nito.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD