Forty-six "Bakit hinayaan n'yong umalis? Mom!" napapadyak pa ito ng sabihin ko na umalis na si Nazneen. "I changed my mind---" "What? Just like that? Come on, naglolokohan ba tayo rito? After what I did for so many years? Gano'n na lang iyon? Mom!" frustrated na hiyaw nito. "Hija, pasensya ka na---" "No! Kung hindi n'yo kayang maghiganti sa kanila kasi naduduwag na naman kayo, ako ang gagawa. Hindi ko sasayangin ang ilang taong pagpapanggap ko dahil lang duwag kayo." "Naririnig mo ba ang sarili mo, Princess?" "Oo naman, at titiyakin kong magdudusa sila. Kung ayaw n'yo, ako na ang gagawa. Ang laki ng kinimkim kong galit sa loob ng maraming taon na nasa poder nila ako, hindi sapat na okay na sa inyo. Hindi ako papayag!" mabilis akong lumapit dito at pinigilan s'ya sa pag-alis. "P