Fifty-one Akala ko tapos na, pero isang balita ang natanggap ko mula kay Princess. Ayon dito, wala na raw buhay si Tita Olly sa silid nito ng matagpuan n'ya. Wala si Gage. Kasama ito ni Lolo, sa sobrang tuliro ko, dali-daling umalis ako ng mansion ni Gage na hindi man lang nagpaalam. Nope, tumakas talaga ako. Sa pag-aakalang hindi ako lalayo ay nagtiwala sila. Lakad takbo ang ginawa ko. "Saan ka pupunta?" bumusina pa si Quinn ng madaanan n'ya ako sa gilid ng kalsada. "I need to see my Tita Olly--" "Sakay!" sabi nito. Mabilis akong sumakay sa passenger seat at nagsuot ng seatbelt. "Sa bahay ni Tita Olly!" humihikbing sabi ko rito. Kinuha nito ang cellphone ko kung saan ang address. Ibinalik din nito iyon at tinutok ang atensyon sa pagmamaneho. Maya-maya pa'y kinapa nito ang cellphon