Fifty "Nandito na ako." Mabilis akong bumangon nang marinig na ang boses nito. Hindi pa man ako nakakabangon ay nakalapit na ito at mahigpit akong niyakap nito. "Ang sakit na ng heart ko, Gage. Hindi ko h-indi ko matanggap eh!" "It's okay, I understand. Kung gusto mo, rito lang ako sa tabi mo. Halika, higa ka muna." Inalalayan ako nito pahiga sa kama. "Na-hu-hurt ako sa sinapit ni Tita Olly, na-hu-hurt din ako para kay Mommy Olivia. Pero 'yong puso ko, parang may tampo kay Mommy Olivia kasi s'ya ang dahilan kung bakit hindi naging normal ang buhay ko." Para akong nagsusumbong dito, habang mahigpit ako nitong yakap. Ang mukha ay nakasubsob sa kanyang dibdib. "Ayaw kitang nasasaktan nang ganito, pero parte ito ng buhay mo, mas mabuti ng nalaman mo na. Mas madali kang makaka-move on.