Forty-nine Mataas ang lagnat ni Nazneen na labis kong ikinabahala, dahil alam ko naman ang dahilan, si Quinn ang tinawagan ko para matulungan ako. Ayon dito magpapadala ito ng babaeng doctor para tumingin kay Nazneen. Hindi naman nagtagal at dumating ang doctor. Ayon dito, Mercedes daw ang kanyang pangalan. Pinalabas pa nga n'ya ako ng silid nang simulan n'ya ang pagtingin kay Naz. Lumabas lang ito after ng ilang minuto. Inabutan ako ng reseta at sinabing ipabili ko raw agad. "Tiyakin mong mabibili mo lahat iyan." Mariing bilin ko kay Rosalinda. Nangingiti naman si Rosalinda na tumango. Alam siguro nito ang dahilan kung bakit nasa ganoong kalagayan si Nazneen. Makulit din naman kasi eh. Pumasok ako sa silid at inabutan itong maluha-luha. "Grabe, ang sakit-sakit ng gitna ko, Gage!"