Forty-eight Sinubukan kong makinig sa usapan nila. Alam kong masama, pero kailangan kong marinig ano man ang pag-uusapan nila para maihanda ko ang sarili ko sa panibagong matututunan ng kasintahan ko sa kanyang mga 'mentor'. Pero ako na rin ang kusang sumuko. Gusto kong awatin si Nazneen sa detalyadong pagkwekwento n'ya sa ginawa ko sa kanya kanina pero mas pinili ko na lang umalis ng mansion at magtungo sa The Alpha's Foodie. Naroon ang ilang kaibigan ko na mukhang pinag-uusapan ang sitwasyon ni Cayde. "Dude," tinapik ko ang balikat nito at umupo sa tabi nito."any update?" tanong ko rito. Malungkot ang naging ngiti nito. Tanda na wala pa rin kahit kaunting clue kung nasaan na ang asawa nito. Nakakaawa na rin ito dahil damang-dama ko ang pangungulila nito sa asawa at sa kanyang anak.