Chapter 15

1733 Words

“SIGURADO ka ba? Gusto mong maglako ng bulaklak sa North Cemetery ngayong darating na Undas?” Tinanguan niya ang kaibigan. “Kailangan kong kumita ng pera, wala na 'kong trabaho.” Lumapit sa kanya si Lavender. “Eh, 'di ba hindi ka nga pinapayagan rumaket ng lalaki na 'yan?” Nilingon niya si Timo na kasalukuyang naninigarilyo sa tapat ng mga bulaklak na naka-display. “Pakialam ko naman sa kanya.” “Sus, Chrysantha. Aminin mo na kasi, dyowa mo ba 'yan?” “Lavender—” “Hoy Mister!” sigaw ni Lola Loreng na mukhang kagagaling lang sa palengke ng Blumentritt dahil sa dalang gulay na nakasupot. “Bawal manigarilyo sa tapat ng mga bulaklak ko! Matutuyot ang mga talulot!” Pumalatak si Lavender. “Lola, relax… baka ma-high blood ka na naman,” inilalayang makapasok ni Lavender sa maliit na Flower sh

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD