“DUMATING na raw po ang Papa ko…” Natigilan si Timo sa pagsusuot ng damit sa narinig na sinabi ng anak ni Chrysantha. Sino nga ba ang ama ni Teyo? Samu’t saring kasagutan ang sinasabi ng isip niya pero hindi niya iyon matanggap lahat. Iniawang niya nang kaunti ang pinto ng banyo para silipin si Chrysantha at ang anak nito. Karga ni Chrysantha ang bata na muli nang nakatulog, kinakantahan nito ang anak habang inihehele sa balikat. Napangiti siya sa nakikitang tanawin. Ito ang pingarap niya noon na madatnan sa bahay sa tuwing uuwi galing trabaho. Sasalubungin siya ni Chrysantha ng isang mainit na yakap at ganoon din ang anak nila…pero hindi iyon nangyari dahil nagkahiwalay sila ni Chrysantha. Nanumbalik sa kanya ang labis na sakit na naramdaman noon. Gusto niyang komprontahin si Chrysan