ANG MGA haplos na iyon ni Timo ang labis na nagpangulila sa puso ni Chrysantha. Limang taon siyang nabuhay sa galit para sa lalaking nang-iwan sa kanya noon. Limang taon niyang itinatak sa isip at puso na napakawalang kuwenta nitong tao at hinding-hindi niya ito mapapatawad. Pero bakit iba na 'ata ang ibinubulong ng puso niya ngayon? Ngayong kaharap na niyang muli ang lalaking unang minahal ng puso niya. Ang lalaking pinangarap niya noon na makasama sa habang buhay. Ang lalaking nangako sa kanya noon na hindi siya iiwan. Ganoon ba kahina ang puso niya para agad na lumambot sa lalaking dahilan kung bakit naging impyerno ang buhay niya sa loob ng limang taon? Pinalis ng daliri ni Timo ang luha niyang hindi na napigil na umagos sa pisngi. Tuluyan na naman siyang napaiyak sa masakit na alaa