Chapter 12

2049 Words

“BAKIT kailangan mo pa 'kong bantayan? Bakit kailangan mo pa 'kong sundan?” Nagpamulsa si Timo, hindi niya alam kung sasabihin niya ba kay Chrysantha ang tungkol sa napag-usapan nila ng Deputy niya. Ngayon pa nga lang na isa lang siya sa panay ang sunod dito ay nagagalit na ito, paano pa kaya kung malaman nito na nakakalat ang undercover team niya sa lugar kung saan ito nakatira nang hindi nito nalalaman. “Nasaan na ang asawa mo?” sa halip ay tanong niya. Napakunot-noo ito. “Asawa?” “Si Angelo Cortez, 27 years old, pumapasada ng colorum na tricycle sa rutang Dimasalang-Espanya.” Napaawang ang bibig nito sa mga detalye na sinabi niya patungkol sa lalaki. Pero sa halip na sumagot ay mas lalo lamang sumama ang tingin nito sa kanya. “Sabihin mo nga sa'kin, nagpakasal ba kayo? Kailan pa?”

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD