“O, ANO'NG sabi ni boss? Sabi ko sa 'yo 'di ba? Tama ako ng hinala,” iiling-iling na bungad ni Detective Miranda Bray kay Timo pagkadating niya sa NBI. “Hindi ba puwedeng iba na lang? Bakit siya pa?” magkasalubong ang kilay na tanong niya. “Noong isang linggo ka pa kinausap ni Sir sa bagay na 'yan, hanggang ngayon ba hindi ka pa rin nakakapag-desisyon?” “Ayokong madamay siya sa kasong 'to—” “Pero damay na siya Delfranco, wala kang magagawa doon. At isa pa, malaking kaso ang kahaharapin ni Rosalejos kung hindi mo siya mapapapayag na maging state witness sa kaso. Ayon sa imbestigasyon lumalabas na accomplice siya sa pagbebenta ng droga sa mga customer niya. Higit sa akin, ikaw ang mas nakakaalam doon.” Oo, si Chrysanthemum nga ang pinag-usapan nila ng Deputy niya noong araw na ipatawag