“BUTI umuwi ka na, kanina ka pa hinahanap ni Teyo. Saka nakasalubong ko rin kanina si Lavender sa Quiapo, tawagan mo raw siya tungkol doon sa raket niyo sa Undas. Anong raket ba 'yon, ha?” bungad sa kanya ni Maira pagkapasok niya sa kuwarto nila. Hindi siya sumagot, nagtungo siya sa higaan nila ng anak. Tulog na si Teyo, mukhang napagod ito sa kahihintay sa pag-uwi niya. “May na-hostage daw sa Blumentritt kanina? Nabalitaan mo ba 'yon, kaloka. Sino kaya 'yong na-hostage? Tsk! Halang na talaga ang mga bituka ng tao ngayon!” Hinaplos niya ang buhok ng anak. Sana ay lumaki itong maayos at matatag sa mga problema. Sana hindi siya nito kamuhian kapag nalaman nito ang tungkol sa naging trabaho niya. Ginawa niya ang lahat ng iyon para sa anak…para patuloy na madugtungan ang buhay nito. “Hoy,