Chapter 18

1723 Words

“SIGURADO ka ba sa Undas? Hindi mo naman kailangang gawin iyon, Chrysantha. Kaya kong gumawa ng ibang paraan para mahanap si Diosa, hindi mo kailangang sumali pa sa operasyon namin,” mahinang sabi sa kanya ni Timo nang ihinto nito sa tapat ng Dangwa ang sasakyan. “Kaya ko 'yon, gusto kong ako mismo ang maging dahilan para mahuli siya,” sagot niya naman. “Saka 'di ba napag-usapan na natin 'to? Kaya ka nga sumama sa'kin sa flower shop nila Lavender kahapon—” “Sinamahan kita dahil nag-aalala ako sa 'yo, pero hindi naman ibig sabihin niyon na payag na 'ko sa planong naisip ni Miranda,” putol agad ni Timo. Si Miranda ang nakaisip ng planong pagtitinda niya kunwari ng bulaklak sa North Cemetery, dagsa ang tao no'n sa sementaryo kaya siguradong sasamantalahin iyon ng mga kawatan lalo na ng mga

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD