PINASOK ng buong SWAT team ang isang abandonadong warehouse sa Bulacan, ayon sa Drug Dealer na si Pino ay dito ang isa pang hide out ng mga kasabwat nila sa droga kasama si Diosa. Negative ang unang pinuntahan nilang lugar noong nakaraang araw dahil nakaalis na ang mga ito ng dumating sila, kaya naman ngayon ay sisiguraduhin nilang wala nang takas ang mga ito. Pinalibutan nila ang buong area, at nang masigurong wala nang lalabasan ang mga kriminal ay saka pumasok si Timo. “Taas ang kamay, mga NBI Agent kami!” sigaw niya sa mga lalaking nagkukumpulan sa loob ng bodega, may ilang armado pero hindi na nakagalaw nang magsimulang dumumog sa likuran niya ang batalyon ng mga specially trained militaries na hindi magdadalawang isip na pasabugin ang mga ulo ng magtatangkang pumalag. “Hanapin niyo