PROLOGUE

205 Words
MAPULANG labi, mapang-akit na mga mata, at magaslaw na pagsayaw sa harapan ng maraming kalalakihan... Bumuntong hininga si Santa habang mataman na tinitigan ang kaanyuan sa harapan ng salamin. “Hanggang dito na nga lang ba ang buhay ko?” Naisuot na niya ang maskara nang marinig ang pagbukas ng pinto. “Umakyat ka na sa stage bago ka pa makita ni Boss Pino dito na nag-aalangan na naman,” bulong sa kanya ni Drey nang maabutan siya nitong nakatayo pa rin sa harapan ng salamin. “Ikaw na ang hinihintay ng mga tao...” Ako... Ako ang hinihintay nila... Kinagat niya ang ibabang labi para pigilin ang pagpatak ng luha. Nagsisimula na namang kumabog ang kanyang dibdib sa samu’t-saring emosyon na nararamdaman. “M-may mga nag-pi-presyo na ba?” Malungkot na tinitigan siya ni Drey. Nababasa niya sa mga mata nito ang pag-aalangan na sagutin ang tanong niya. “Meron...” Hindi na napigil ni Santa ang pagbagsak ng mga luha. “S-sige, aakyat na ako…” Bawat paghakbang ay nananalangin siya, sa kung sino man ang sinasabi ng mga tao na pakikinggan siya. Pero maraming taon na niya iyong ginagawa at kahit isa sa panalangin niya ay hindi dininig…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD