Chapter 6

1530 Words

“SIR DELFRANCO!” bati ni PO3 Theon Allegre, isa sa mga magagaling na Police Inspector sa PNP Manila. Bigla siyang natauhan, inalis niya ang mga mata kay Chrysantha at ibinaling sa pulis na bumati. “Nakuhanan na lahat ng blood samples?” Napakamot ito. “Sir, iyong isang babae po ayaw magpakuha ng dugo.” Nangunot-noo siya. “Sino?” “Iyon pong nasa dulo,” itinuro nito ang babaeng naka-upo sa dulo ng selda na naka-suot ng itim na jacket niya. “Sige, ako nang kakausap. Dalhin niyo sa Interrogation room.” Ilang minuto pang naghintay si Timo sa loob ng silyadong kuwarto bago bumukas ang pinto at iniluwa niyon ang naka-posas na si Chrysantha. Namumugto na ang mga mata nito sa walang tigil na pag-iyak at basang-basa na rin ng pawis ang katawan nito sa loob ng jacket na hindi nito maayos na nais

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD