CHAPTER 55 "Good morning," masiglang bati ni Leandro nang pumasok ito sa dining area nang sumunod na umaga. Agad nitong linapitan si Maxine na nakaupo sa silyang pangbata habang pinapakain ng isang katulong. Isang halik sa tuktok ng ulo ni Maxine ang iginawad nito. Then, he turned to Zandro and planted a kiss on his cheek, as well. Kalong ni Cara ang kanyang anak kaya nang lumapit si Leandro dito ay agad niya pang nasamyo ang pabangong gamit nito. She looked at him. Nakabihis na ito ngunit kumpara sa karaniwang suot nito sa pagpasok sa opisina ay iba ang gayak ngayon ng kanyang asawa. Isang simpleng polo shirt lamang ang suot nito na pinaresan ng isang maong na pantalon. Napansin niya pa ang sukbit-sukbit nitong isang duffel bag. Kunot ang noong hinarap niya ito. Nagtataka siya sapagka