CHAPTER 46 Sinundan ni Leandro ang bawat hakbang na ginagawa ng dalaga pababa sa hagdanan. Hindi siya maaaring magkamali. Habang papalapit ito sa kanya ay mas nakikilala niya ang mukha nito. Ito nga ang babaeng nakabungguan niya kamakailan lang sa isang hotel sa may Quezon City. Karga nito ang kanyang pamangkin na si Maxine habang naglalakad palapit sa kanya. He can even hear her saying something to Maxine. Halos nauulanigan niya iyon ngunit hindi na niya gaanong maintindihan. He was already consumed with so much puzzlement and curiosity. Ano ang ginagawa nito ngayon sa bahay ng kanyang asawa? Magkakilala ba ito at si Cara? At ang batang dala nito nang mabunggo niya noon? Sino ang batang iyon? Bigla ay bumalik sa kanyang isipan ang eksena sa hotel nang paalis na ito. She heard her utte