CHAPTER 45 Nang sumunod na araw ay nagising si Cara dahil sa kung anong mabigat na bagay na nakadagan sa kanya. Bahagya siyang kumilos para sana pumihit sa kanyang likuran. Doon ay nararamdaman niya ang kakaibang init na nagmumula sa katawan ng isang tao. She could even feel his breath fanning on her neck sapagkat doon ay nakasiksik ang mukha nito. At ang braso nitong nakapaikot sa kanyang baywang at ang hita nito na nakadagan sa kanyang katawan ang siyang nagpagising talaga sa kanya. Hanggang sa bigla ay naimulat niya nang tuluyan ang kanyang mga mata nang agad na pumasok sa kanyang isipan ang lahat ng nangyari kagabi. Tuluyang nagising ang kanyang diwa nang mapagtanto na si Leandro ang nasa kanyang tabi at siyang may yakap sa kanya. She agreed on staying in this hotel with Leandro nan