CHAPTER 44 Nang makapasok sila sa silid ay biglang binalot ng pinaghalo-halong emosyon si Cara. She roamed her eyes inside the room. Sa nakalipas ng isang taon ay halos walang nabago sa loob nito. Ganoon pa rin ang ayos ng mga gamit. Naroon pa rin ang mga bagay, na una pa lang siyang nakapasok roon ay nakita na niya sa loob ng silid--- ang flat screen TV, ang bureau na nasa isang tabi na napapatungan ng iba't ibang figurines, ang mahabang sofa sa kaliwang sulok nito at maging ang maluwag na kama sa silid. Agad ang paglunok na ginawa niya nang mapalingon siya sa kama. There were memories that flashed back in her mind. Memories that in the past months kept haunting her. Mayamaya pa ay marahas siyang napabaling kay Leandro nang marinig niya ang pabagsak nitong pagsara sa pintuan. She even