CHAPTER 40 Nang huminto ang pinagmamanehong sasakyan ni Brandon sa tapat ng bahay nina Cara ay bumaba na si Rachel mula sa may driver's seat. Karga nito si Maxine na nakatulog na sa haba ng biyahe nila. Samantalang lumapit sa sasakyan si Manang Selma at pinagbuksan siya ng pinto sa may passenger's seat para kunin sa kanya ang kanyang anak. Mula sa kanyang mga kamay ay maingat na kinuha ng matanda si Zandro para ipasok na sa loob ng bahay. Tulad ng kanyang pamangkin ay nakatulog na rin ito. Nang tuluyang makapasok ang mga ito ay kinuha na niya ang ilan pa nilang gamit at hinarap si Brandon. Ngumiti siya dito habang nanatili pa ring nakaupo sa may passenger's seat. "Thank you again, Bran, for treating us," she said, smiling to him. "Nag-enjoy si Maxine." She chuckled as she said the las