CHAPTER 39 PAGLIPAS NG ISANG TAON: "Yes, Sally. I am on my way now," wika ni Leandro sa kanyang sekretarya habang naglalakad siya sa isang mahabang pasilyo. Kausap niya ito sa kanyang cell phone at patungo nga siya sa kinaroroonan nito. Si Sally ang bagong sekretarya sa branch ng hotel nila sa may Makati City. Ilang buwan mula nang umalis siya ng Pilipinas ay nagpalit ng sekretarya sa hotel sapagkat nag-migrate na sa ibang bansa ang huling sekretarya nito. It has been a year since he left the country and went back to New York City. Ang dami nang nangyari pagkatapos noon. He kept himself busy on running their business in abroad. Halos hindi rin naman siya nanatili sa iisang bansa sa nakalipas na mga buwan. Palipat-lipat siya ng hotel branch na inaasikaso, bagay na kung tutuusin ay hindi