CHAPTER 33 Mula sa silid ni Maxine ay nagtuloy siya sa walk-in closet na nasa silid ni Leandro. Agad niyang binuksan ang closet kung saan naroon ang kanyang mga damit. Isa isang kinuha niya ang mga iyon at ilinagay ang lahat sa ibabaw ng kama. Naglakad siyang muli pabalik sa may walk-in closet para naman kunin ang maletang pinaglagyan ng kanilang mga damit nang araw na dinala ang mga iyon sa bahay ng kanyang asawa. "What are you doing?" wika ni Leandro na kariringgan na ng galit ang tinig. Magkadikit ang mga kilay nito habang sinusundan ang bawat niyang galaw. "Do I need to stress the obvious, Leandro? I am packing and we are leaving your house," aniya at linampasan ito. Lumapit siya sa kama at ilinapag din doon ang maletang kanyang hawak. She unzipped it and started putting all her c