CHAPTER 34 Agad na napatayo nang tuwid si Cara at bahagyang lumayo mula kay Brandon nang makita niya sa entrada ng kanyang opisina si Leandro. Si Brandon ay nanatili lamang sa kinatatayuan nito at katulad niya ay sinundan ng tingin si Leandro na ngayon ay unti unti nang naglalakad palapit sa kinaroroonan nila. Leandro's gazes never left Brandon. Naniningkit ang mga mata nito dahil sa galit na nadarama para sa binatang nasa kanyang tabi. Hanggang sa huminto si Leandro sa paglalakad sa mismong tapat ng kanyang executive desk. "Do you want me to praise you for comforting my wife?" sarkastiko nitong wika kay Brandon. Naroon ang pang-uuyam na nakalakip sa tono nito. "Leandro, please---" "Cara married you, na hanggang sa ngayon ay hindi ko alam kung paano nangyari," agap na wika ni Brandon