CHAPTER 57 "Cara, huwag natin sirain ang sandaling ito na nagkaayos tayong dalawa. Let us talk about it some other time," giit pa ni Leandro sa kanya. He hugged her again and was about to kiss her on her neck when Cara moved. Iniwas niya ang kanyang sarili mula sa asawa. At kahit nagpakita ito ng pagprotesta sa pag-alis niya sa kandungan nito ay itinuloy niya pa rin ang pagbalik sa kama. She sat on the bed again. Muli niyang isinandal ang kanyang sarili sa headboard niyon at matamang tumitig sa kanyang asawa. "I want to start anew with you, Leandro. Tayo ng mga bata," wika niya dito. "At gusto ko na kapag nangyari iyon na wala tayong inililihim sa isa't isa. Sa mga nakalipas na araw ay lagi mong nababanggit na may rason kung bakit ngayon ka lang nakabalik sa Pilipinas. And you were tel