Kasalukuyan ako na nakaupo sa gilid ng swimming pool. Nakalubog ang aking mga paa sa tubig at para akong bata na nagtatampisaw. Ganito talaga ang gusto ko na ginagawa kapag gusto ko lamang ng katahimikan. Binibigyan ko ang aking sarili ng pagkakataon na makapag-isip at magmuni-muni. Sa sandaling panahon na lumipas ay ang dami na ng mga nangyari sa akin. Sino ang mag-aakala na ang huling taon ko sa kolehiyo ay magiging ganito kakomplikado? Kahapon habang abala ang mga magulang namin tungkol sa pag-uusap sa kasal ay pareho kami ni Niccolo na may sariling mundo. Hindi kami nakinig sa usapan at pinabayaan na lamang namin ang aming mga magulang. Sila rin naman ang magdedesisyon sa mga bagay na iyon at kami ay susunod lamang. Sa kabila ng lahat ng takot at pangamba na nararamdaman ko ay napa