Muli na nagkakagulo ang mga estudyante ng Elite High. Ang lahat ay nagbubulungan at may mga pinag-uusapan. Hindi makapaniwala sa mga bali-balita na kanilang naririnig. Ang lahat ay nag-aabang sa kompirmasyon ng mga tsismis na muli na pumailanlang sa apat na sulok ng unibersidad. Ngayon umaga, ang lahat ay nag-aabang sa pagdating ng mga Elitista. Ilang araw na naging bulung-bulungan at bali-balita pero wala isa man ang makapagpatotoo, kaya gaya ng inaasahan ng marami, ang lahat ay naghihintay na lamang sa magiging palabas oras na dumating na ang grupo na hinihintay ng lahat. “Abbie, ano ba ang nangyayari?” tanong ni Krishna sa kaibigan na si Abbie, nang mapansin ang maraming nakahilera na mga estudyante ngayon araw. “Naku, Krishna! Saan-saan ka ba kasi nagpupunta at hindi ka nagpapapasok