Hindi sigurado si Niccolo kung tama ang desisyon niya na makipagkita kay Krishna. Pero iyon na lamang ang tangi na paraan na alam niya para tuluyan na siya na tumigil sa panggugulo sa kanila ni Alyana. Tutal naman ay sabi rin ng babae na kailangan lang niya ng closure at iyon ang ibibigay ni Niccolo. Ayaw niya maglihim kay Alyana lalo na at patungkol kay Krishna. Sigurado siya na magwawala ang nobya niya lalo kapag nalaman nito na isinikreto niya ang pagkikita nila na iyon. At iyon ang ayaw niya na mangyari, lalo pa at umamin na rin sa kanya ang nobya sa tunay na nararamdaman nito para sa kanya. Hindi lang alam ni Niccolo kung paano sasabihin kay Alyana ang kanyang plano na hindi siya magagalit o magwawala. “Bakit ang seryoso mo riyan? Ang lalim ng iniisip mo ha, may problema ba?” Tanon