“Why would you even agree to that?! Alam na alam mo ang takbo ng utak ng babae na iyon, pero pumayag ka pa rin? Babe, alam na alam mo na hindi closure ang nais ng babae na iyon. Sigurado tayo pareho na paraan niya ito para paghiwalayin kayo ni Niccolo at sirain ang kung ano man na mayro’n kayong dalawa. Kaya sabihin mo nga sa akin at hindi ko talaga maintindihan kung ano ang puamsok sa utak mo at pumayag ka rito?” Kababakasan ng inis at pagkadismaya ang tono sa akin ni Jake nang puntahan niya ako sa bahay at maikuwento ko sa kanya ang tungkol sa nais ni Krishna na pakikipag-usap kay Niccolo ngayon. “Babe, huwag ka na nga mainis. Sa tingin ko kailangan din nila talaga ito. Kailangan nila na mag-usap at magkalinawan.” Humugot siya ng malalim na hininga at pinaningkitan ako ng mata. “Sige