Salubong ang kilay namin ni Jake habang mataman na naghihintay sa pagdating ni Niccolo. Narito kami sa may parkingan sa may ice cream parlor. Kanina nang matanggap ko ang larawan na iyon ay hindi ako mapakali. Ito na nga ba ang sinasabi ko, saktong-sakto sa araw ng pag-uusap nina Niccolo at Krishna may matatanggap ako na ganitong larawan. At gaya sa inaasahan ko, si Jake bilang si Jake, ay walang atubuli na tumawag kay Niccolo at sa pinipigil na galit ay sinabihan niya si Nic na puntahan kami rito pagkatapos ng pakikipagtagpo niya kay Krishna. Hindi na ako binigyan pa ng pagkakataon ni Jake na kausapin o i-text man lamang si Nic. Nagpadala pa ng mensahe si Niccolo at sinubukan na tumawag sa akin, pero hindi ko na nasagot ang mga iyon. At ilang minuto ang nakalipas buhat nang mangyari iyo