Iritang-irita na naman si Krishna Lopez. Lagpas isang linggo na buhat ng huli sila na makapag-usap ni Niccolo. Lagpas isang linggo na rin simula nang maipadala kay Alyana ang mensahe at ang litrato, pero sa kabila nito ay patuloy na nagiging maganda ang relasyon nilang dalawa. Hindi man lamang kinabakasan ni Krishna na nagtatalo ang dalawa, maliban sa araw na iyon na bigla na tinawagan ni Jake si Niccolo kaya agad na natapos ang pag-uusap nila. Nakaramdam pa naman siya ng bahid ng saya dahil alam niya na mag-aaway na ang dalawa. Pero sa muli ay nagkamali na naman siya. Nang makasabay niya ang mga Elitista sa unibersidad noon isang araw ay masayang-masaya pa rin ag dalawa. Ilang ulit pa sila na nagpadala ng mensahe ni Marjorie pero gaya sa nauna, hindi nila nakuha ang inaasahan nila na re