Palabas pa lamang si Niccolo papunta sa parkingan ngayon. Nauna na sina Alyana at ang mga Elitista dahil tinulungan pa niya si Abbie kanina. Hinarang siya ng kaibigan ni Krishna upang magpatulong na buhatin ang ilan sa mga kagamitan na ginamit para sa graduation practice kanina. Wala raw kasi ang mga kaklase nito at siya lamang ang kakilala na nakita roon. Hindi siya nakatanggi at tinulungan na lamang niya na ibalik ang ilan mga gamit. Sinabihan na lamang din niya si Alyana na hintayin siya sa parkingan at lalabas din siya agad pagkatapos. Katatapos lang ni Niccolo dahil iniwanan din siya ni Abbie kaya medyo natagalan tuloy siya. Habang naglalakad papalabas ay nakakarinig si Niccolo ng mga ingay na parang may nagkakagulo. Hindi siya sigurado kung ano iyon ngunit ayaw niya ang nararamd