Habang nasa klase kami ay lumilipad ang isip ko. Hindi ako makapagpokus sa sinasabi ng propesor namin at ang atensyon ko ay nasa mga pangyayari kanina. Alam ko na konting panahon na lamang ay maipalalabas ko na rin ang lahat ng totoo patungkol kay Krishna. Sa mga naging reaksyon niya kasi kanina ay hindi malayo na sumambulat sa lahat ang katotohanan sa babae na sinasabi nila na kinakawawa ng mga Elitista. At gusto kong makita ang magiging reaksyon ng lahat kapag nangyari iyon. Bukod kay Krishna ay lubha rin akong nasisiyahan sa nakikita ko na pagkabahala at takot sa mukha ni Niccolo. Gusto ko rin malaman kung ano at sino ba talaga ang pipiliin niya sa huli. Ang babae na gusto niya o ang pagsunod sa kasunduan ng kasal namin? Paano kaya ang gagawin ni Niccolo kung unahan ko na siya sa pagba