Maaga akong nagising at naghanda sa pagpasok dahil maaga rin ako na susunduin ni Jake ngayon. Nagmamadali ako na bumaba upang matakasan si Mama at hindi na niya makita pa na si Jake ang sumundo sa akin. Ngunit hindi ko inaasahan na may mas maaga pa pala na buwisita ang nasa pamamahay namin. Nagsalubong agad ang kilay ko nang pagbaba ko ay mabungaran ko siya na papasok na sa bahay kasunod ni Mama. “Aly, buti at maaga ka. Maaga rin na pumunta si Niccolo para sunduin ka.” Nakangiti na bungad ni Mama sa akin. “I’m going with Jake.” Matigas na tugon ko. “Aly.” Saway agad niya sa akin. “What’s wrong with you? Napag-usapan na natin ito. Si Niccolo, bilang fiancé mo ang makakasabay mo sa pagpasok at hindi si Jake.” Agad na bumangon ang inis at ngitngit sa akin. Ako na naman ang nakita ni Mam