Dumadagundong ang puso ko sa kaba sa mga oras na ito. Nagsusukatan ng tingin ngayon sa aking harapan sina Niccolo at Kiel. Pareho na salubong ang mga kilay at nakakunot ang noo habang titig na titig sa isa't-isa. Bukod sa tensyon na nararamdaman ko dahil nagpang-abot sila rito ngayon, ay ang takot ko dahil ngayon ko lang din nakita ang ganito kagalit na ekspresyon ni Nic. “Ano ang ginagawa mo rito?!” maangas at galit na puna ni Niccolo kay Kiel. “Kinakausap ko si Alyana, hindi ba halata?” sagot naman din ni Kiel na may pamimilosopo pa. Alam ko rin na kapag ganito na ang timpla niya ay naiinis na rin siya. Agad na lumapit sa akin si Niccolo at ipinulupot ang braso sa aking beywang, “Nakikita mo ito? Alam mo kung ano ang ibig sabihin nito? Kung hindi, ako na mismo magsasabi para alam mo