Hindi maalis-alis ang mga ngiti sa labi ko. Kahit na ano ang gawin ko para itago ang saya na nararamdaman ko ay hindi ko magawa lalo na tuwing naaalala ko ang mga pagkakataon na ipinagtanggol at kinakampihan ako ni Niccolo laban kay Krishna. Everything just feels so real and right sa pagitan namin dalawa. At higit sa lahat, masaya ako dahil sigurado na ako na hindi na si Krishna ang laman ng puso niya. “Mam Alyana may naghahanap sa iyo sa labas.” Nagulat ako sa paglapit sa akin ng aming kasambahay. Sino ang bisita na iyon na tinutukoy niya? “Sino raw? Ang mga kaibigan ko ba?” tanong ko naman sa kanya. “Hindi po, Mam Alyana. Pero parang siya iyon binata riyan sa may kabilang bahay.” Binata sa kabilang bahay? Kumabog ang dibdib ko nang marinig ang sinabi ng katulong namin. “Sige, lalaba